No one understands what I feel inside.. The fire, the passion, the sorrow, the loneliness.. No one understands but me.. And I wish everyone could understand the pain, the hurt, the love, the emotion.. I wish I could let it all free.. But I try, I try and I try.. But no one can understand but me.. there is a part of me that feels I am different from everyone else.. something that I can not quite see.. something that I can not quite feel.. something so unreal.. but this thing is always there.. this 'thing' with others.. i will never share.. so I push it to the back of my mind.. all the thoughts of love.. it is hiding behind ..sometimes..when I have almost forgotten.. it comes back with such ferocity... I feel so lost and sad.. a lost memory or something else..i will never know..







Welcome to melancholy of blue, a little space wherein I put most of the things I think or has happened to me. Feel free to post a reply if you see something you like or just want to get in touch.

This one is made by m c b l u e and ofcourse made possible by Blogger. You're now viewing the 1st version of the site, melancholy of blue. The layout can best be viewed at Internet Explorer 5+ and 1024x768 resolution. Comments are always welcome. ^^ Thank you for visiting and I hope you'll enjoy your stay. ^^






 Last updated: Septembed 23, 2006

 Previous Posts:
 Archives:


You're Visitor #








Wednesday, April 05, 2006


100.00 PhP - unang kabanata


Mood: pleased
Music: Usher's Simple Things, Confessions

...here's a cool article from Peyups about life at UPLB,, ^_^


"Maganda ba talaga sa LB?"

Ilang beses na yang naitatanong ng kaibigan kong produkto ng La Salle at UST. Para bang hindi niya maisip na sa UPLB masaya ang buhay. Simple. Tahimik.

Siguro hindi siya pamilyar sa pagkain ng isaw ni Ate Evie, makipa-lista sa canteen ni Ate Nimfa, o makipag-tagayan sa mga nakatira sa White House. Hindi ko alam kung paano ko ikukuwento kung paano ako nabuhay ng anim na taon sa paanan ng Bundok Makiling. Subukan ko kaya...

Wala pa kaming isang buwan sa bago naming trabaho. Isang beses, habang naglalakad kami mula sa opisina papuntang EDSA at namumroblema sa budget dahil wala pa kaming sweldo, napag-usapan namin kung saan mura ang pagkain. May binanggit syang lugar sa Cubao. Dahil wala naman ako masyadong alam na lugar dito sa Maynila, nabanggit ko sa kanya ang Papu's meal1, Tatlong Siomai at rice sa halagang P16, pati na ang Batcave at Lechon Kawali.

Bigla nyang nasabi, "Bakit kayong mga taga-LB, hindi nyo maalis yan sa inyo..." Ano ba ang ibig nyang sabihin? Hindi maalis ang pag-alaala sa lahat ng bagay na tungkol sa Los Baños... Yun siguro! Nasabi ko na lang sa kanya ang mga katagang, "It grows in the heart."

Sa UPLB, pwede kang pumasok sa klase nang hindi naliligo (tulad ni Jong)... Mag-seminar kahit hindi pa nagtu-toothbrush (parang si Bong)... Lumabas ng kalsada na nang hindi nagsusuklay (si Pat 'yun!)...

Sa UPLB, pwede kang mabuhay ng 100 PhP lang ang pera mo sa loob ng isang linggo. Dito sa Manila, posible kaya yun?

Nung panahon ko sa LB, eto ang presyo ng bilihin: P6 ang Lucky Me Pancit Canton [P5 pa yun nung matutunan kong gawing staple food]. P3.25 ang pamasahe ng estudyante, pero halos lahat ng lugar dun ay pwedeng lakarin. Wag ka lang magkakaroon ng klase sa Forestry, dahil P4 talaga ang pamasahe paakyat. [inabot ko pa yung 1.50 na pamasahe nung freshman ako]. P11 ang 3 pcs siomai sa Papu's. +5 pesos rice = P16 = meal1. 4 pcs siomai + rice = P20 = meal2. P6 ang DOLE juice sa red kubo sa 1st floor ng Physci. P15 ang swimming sa Baker Hall basta may ID ka. P20-30 ang rental sa mga internet café. P5 printing/page. P16 ang isang order ng Balatong (monggo) sa Ellen's Fried Chicken. P45 ang Beef Tapa sa Sissler's at Selina's, may side dish pa yang buttered veg or mashed potatoes. P60 ang grilled Chicken with veggies sa Isabelle's. P25 ang beer sa Flatrocks Bar & Resto. wala pang P100 ang Oreo Cremaccino sa Isis Bar. under P100 din lang ang magagastos para sa Mindoro Sling na iinumin mo ng 4pm habang nagrereview para sa exam ng 7pm. Libre ang tawanan, biruan, iyakan, chismisan, group reviews; jogging sa field, papuntang IRRI o paakyat ng Jamboree; Open Training ng Shotoks, pati ang panonood ng rumble at Oblation Run;

Sa UPLB, magiging Varsity ka sa sport dahil mahal mo ang sport mo, hindi dahil sa incentives para sa mga varsity. Mapulitika ang DHK, dahil sa mga taong nasa kapangyarihan. Gagawan nila ng gagawan ng issue yung mga taong hindi nila makasundo at sumasalungat sa gusto nilang mangyari. Napapabayaan tuloy ang magagaling na manlalaro ng unibersidad. Wala kang makukuhang varsity scholarship or discount man lang sa tuition... sabagay, subsidized na naman ang matrikula ng mga iskolar ng bayan. Kung may sports and recreation org ka naman, hindi rin naman irerecognize ng DHK kasi hindi na member ng faculty ang founder ng org nyo. Ang pride mo na lang ay makasama sa listahan ng manlalaro na magdadala ng pangalan ng University of the Philippines Los Baños.

Sa UPLB, brods and sisses ang tawagan sa mga kasama sa org. Ewan ko ba sa mga taga-ibang campus (kahit UPD o UPM)... pag nakarinig ng salitang brod o sis, aakalain nilang miyembro ka ng fraternity o sorority. Pero sa UPLB, basta ka-org mo, brod o sis ang tawag. Kapatid ang turing.. para kayong isang pamilya sa loob ng samahan. May mga kuya at ate... yung mga nakakatanda sa org nung panahon na sumali ka; May batchmates... na para mong kakambal sa lahat ng pagdadaanan bago makapasok ng org; May mga amuyong... (aplikante) na nais mapasama sa org ngayong miyembro ka na; Meron din dyang sempai, kohai, bata, matanda, best friend, special friend, ka-relasyon, boyfriend, girlfriend, master, neophyte, president, vice-president, secretary, treasurer, auditor, p.r.o. at kung anu-ano pang position.

Sa UPLB, masarap sumali ng mga liga.. Yung iba, kinakarir talaga ang sportsfest. ENGmeet, CEMplangan, PalaCASan. Syempre, pinakamalaki at pinakabongga ang PalaCASan. Kahit na para talaga sa mga CAS (College of Arts and Sciences) Academic Orgs ang liga na 'to, nagpupumilit sumali rito ang mga taga ibang colleges. Sa PalaCASan, pag host org ka, sikat. Pag ikaw ang techCom head, "Campus Figure" ka. Pwede ring maging "Crush ng Bayan" kung magaling mag-basketball, mabait at kung laging naliligo. Kung Information Director ka ng isa sa pinakamagandang season ng PalaCASan, ikaw ang nag-aayos lahat ng score sheets, magko-consolidate ng data, magtatawag ng orgs para sa techCom meeting, magcocolate at magdidistribute ng results sa bawat games; At may karapatan kang murahin ang techCom head & housemates pag late nagising dahil 3am na nang natapos silang mag-WarCraft.

Sa UPLB, masarap mag-nature tripping... meron dung Molawin Creek, Flat Rocks, Mud Spring, at Peak Two. Meron ding Museum of Natural History, Botanical Garden, Semen Tree at Fertility Tree. Nandyan ang Ampitheatre, Freedom Park, at Carabao Park na walang kalabaw. May bonggang waiting shed (Thai Pavillion), kwek-kwek tower (Academic Heritage Monument), kikay tower(Veterans Memorial Tower), at phallic symbol (Carillon Tower).

Sa UPLB, masarap magpaka-atleta dahil halos lahat libre... kung may bayad man ang facilities na gagamitin, mura lang ang singil. Maraming tennis courts na pwedeng rentahan (pero hindi ko alam kung magkano ang renta dahil wala pa akong little white tennis dress na gagamiting excuse para maglalaro ng sport na ito). Pwede ka ring mag-ober-da-bakod sa pool sa baker pag gabi... kung walang tubig o brown-out sa dorm or apartment na tinutuluyan mo. May bowling alley at billiard hall sa basement ng SU Building para sa ayaw magpa-araw. * Halos lahat ng Baker boys (basketball enthusiasts) ay nagsusumiksik sa Outside Court 1 ng Baker dahil hindi sila basta-basta makakapaglaro sa covered court at dahil din sa tabingi ang ring sa OC2. * Punta ka lang ng lower grounds, ok ka na... hindi na kailangang gumastos para sa ehersisyo. Magwarm-up ka muna sa gilid ng grandstand... mag-jogging paikot sa oval; mag-soccer sa loob ng oval; mag-volleyball, tumbang preso o kaya mag-chinese garter sa gilid ng oval; * Kung mas trip mo naman sa field - upper grounds (Freedom Park), dun magandang mag-softball, baseball, or mag-kata sa damuhan... Masarap din dung tumambay lalo na pag hapon habang kumakain ng lumpia, turon, banana que na inilalako ni Parekoy. (Ito yung pampasarap sa pinasarap na usapan).

Simple lang ang buhay sa LB. Maaaring hindi kami maporma gaya ng ayos ng mga Manileño... Nakakapasok kami sa klase na halos pambahay lang ang suot... Kung mag-foodtrip kami, dun lang sa isawan sa kanto, o kaya sa Grove... Ang night life namin ay IC's Bar, Isis Cafe o Flatrocks bar & Resto kadalasang umiikot... Helipad kung trip mag-billiards... Gamesite, Area, KC's kung gustong mag-Counter Strike, Ragnarok o Warcraft... film showing sa apartment (I4) habang kumakain ng Lucky Me Pancit Canton na niluto sa rice cooker pag wala kaming pera... at madalas, tambay na nga lang sa org house pag walang magawa...

Yun ang kinasanayan ko... Yun ang mga simpleng pagkain, bagay, lugar, pangyaryari na nakapagpa-ikot ng aking mundo. Yun ang buhay na namimiss ko ngayon... Lalo pa at isang linggo pa bago ako maka-sweldo at100.00 PhP na lang ang laman ng aking bulsa.






0 Comments:

Post a Comment

<< Home